Tuesday, February 12, 2019

Masdan Ang Bohol


              Masasabi natin na ang Pilipinas ay isang biyaya dahil sa mga masaganang lupain, mga likas na yaman at higit sa lahat ang mga magagandang tanawin at sa Pilipinas matatagpuan ang Bohol. 

              Ang Bohol ay isang pulong may hugis habilog, na may mga katamtamang taas ng mga bundok. Sa mga bundok ng Bohol matatagpuan ang mga pambihirang mga uri ng halaman at hayop. Binubuo rin ang pulo ng lalawigan ng mga burol at ito ay parang maliit na Pilipinas, makikita mo ang masaganang lupain, mga likas na yaman at magagandang tanawin gaya ng pinakatampok na tourist spot sa Bohol ay ang Chocolate Hills. 

              Ang Chocolate Hills ay mga burol na matatagpuan sa Carmen, Bohol. Umaabot na mayroong 1776 na mga burol ang nakakalat sa 50 square kilometer. Tinatawag itong Chocolate Hills dahil tuwing tag-init magiging kulay berde ang mga damo.



               Makikita rin sa Bohol ang Panglao Island na mayroon white sand beaches na gusto ng mga turista na pwedeng makapag island hopping, snorkeling, atb.


                                                                   

                Bukod sa Panglao Island, Ang Loboc River ay tampok rin sa mga turista dahil sa ganda ng ilog at sa bandang dulo ng pagsakay niyo sa Floating Restaurant makikita Busay Falls.



               Man Made Forest matatagpuan sa hangganan ng Loboc at Bilar. Patok ito sa mga turista dahil sa mga malalaking kahoy na lumalawak sa dalawang kilometro.


               At sa dulo ng Man Made Forest matatagpuan ang Bilar Tarsier Sanctuary kung saan nandito ang pinakamaliit na hayop ang Tarsier. Tampok ito ng mga turista makikita lamang ang Tarsier sa mga bansa ng Timog-Silangang Asya



               Ito ay isa sa mga lumang simbahan na matatagpuan sa Bohol. Itinatag ito noong 1596 at matatagpuan ito sa Baclayon at ito ang Baclayon Church. Isa ito sa mga paboritong destinasyon ng mga turista dahil sa kalumaan ng simbahan at maraming mga lumang bagay na preserba pa sa kanilang museo.





              Sa Pilar, Bohol matatagpuan ang Jardin Necitas - Pilar Glowing Garden na puno ng artipisyal na bulaklak na nagniningning rin sa gabi dahil sa LED lights. Makikita dito ang libo-libong artispiyal na rosas at tulips na nakaasyos para bumuo ng hugis puso.


               Ang imahe na ito ay hindi sa Banaue Rice Terraces ngunit sa Cadapdapan Rice Terraces. Matatagpuan ito sa Candijay, Bohol at dahil sa di pantay na mga lupain ay nakaisip ang mga mamamayan na gumawa ng rice terraces para matamnan at makaani ng palay.




              Ito ay ang Cabagnow Cave matatagpuan sa Anda, Bohol. Isa ito sa paboritong destinasyon ng mga turista dahil sa kakaibang klase na paligoan.




             Sa Sevilla, Bohol matatagpuan ang Sipatan Twin Hanging Bridge, ito ay gawa sa kawayan na kayang palatayin ang mga tao at pwedeng sa motorsiklo rin. Ito ay  may kahabaan na 40 metro. Sa ibaba ng Hanging Bridge makikita mo ang malinis na Sipatan River.



              May bahay na hugis barko na matatagpuan rin sa Bohol. Ito ay ang Shiphaus na matatagpuan sa Batuan, Bohol. Dahil sa hugis barko ang bahay, ito ay isa sa mga destinasyon ng mga turista kung saan dito lang sa Bohol makikita ang bahay na hugis barko.

Sa Danao, Bohol matatagpuan ang Danao adventure park kung saan makakasakay kayo ng zip-line, makakapagrapelling, magkayaking at iba pang mga gawain na nakakapagkaba pero maglibang ka sa mga gawain.




Sources of image:

No comments:

Post a Comment

Masdan Ang Bohol

              Masasabi natin na ang Pilipinas ay isang biyaya dahil sa mga masaganang lupain, mga likas na yaman at higit sa lahat ang mga...